Wednesday, March 5, 2014

Roel Cortez sa Kapuso Mo, Jessica Soho, at ang aking Pananaw bilang Fan

Napanood n'yo ba ang Kapuso Mo, Jessica Soho Episode noong January ngayong taon 2014, kung saan itinampok si Roel Cortez? Sa episode na yon, natunton ng KMJS ang komposer at singer na si Roel Cortez, at kanila pa itong napanayam tungkol sa pinagdaanan ng singer na nagpasikat ng mga hindi malilimutang kanta noong dekada 80. Pati nga ang blog na ito ay natunton din hehehe.

Habang pinanonood ko ang episode na yon, halos hindi ako pumiyok para hindi makaligtaan ang ano mang detalye ng report na yon. Akala ko tumaba itong si Roel, kasi dati parang may nakita akong picture niya na inihambing ko ang hitsura ay hawig nga, pero nagulat ako ng makita ko siyang payat at medyo matanda na. Actually, parang mas matanda ang kanyang hitsura sa edad niya na hindi ko din alam kung anong eded nya(labo ah?), i mean, kung ihambing natin siya sa mga 80's singer na sumikat din kasabay niya, na nakikita pa natin hanggang ngayon, parang mas marami yatang hirap na dinanas si Roel para maging ganun ang kanyang kalagayan.

Siya kaya yang nakapula sa gitna? Compare to his album photo and to his screen shot? Anong masasabi niyo? Hawig kasi ang mukha at mata. Although ang may-ari ng pic pag minimessage mo o tinatanung di ka naman sinasagot.

Heto yong buong larawan. Kung pagmamasdan mo hindi siya payat dito kung heto nga ay orihinal na larawan ni Roel Cortez ha.


I also expected to see a big house o kahit hindi masyadong bahay mayaman, yon bang may bahid ng kaginhawaan, pero it turned out na parang nawalan ng kinang sa mga materyal na bagay ang singer. Napaluha pa siya sa kanyang interview. Hindi naidetalye sa report kung bakit parang hindi ata naging maginhawa ngayon ang buhay niya, pero ganun pa rin nagpapasalamat tayo sa GMA-7 na mailagay sa show nila si Roel Cortez. Di rin naikwento ang kanyang pagbabalik musika noong dekada 90, naging hit ba o napabayaan sa pagpromote ang kanyang mga awitin kaya hindi masyadong gumawa ng ingay. Hindi rin nainterview ang recording company niya na Universal Records (Wea Records dati) kung ano pang kanta ang sumikat ng husto based on actual sales record.

May mga tanong din sana ako kay Roel katulad ng,

*Bakit wala ata siyang video ng tv guestings niya? Kung mayron man.

*Nong inilabas ang 'Best of Roel Cortez' album niya, gumawa ang record company niya ng karaoke version, pero bakit hindi siya sumali sa video? Kasi si Willy Garte which was under din ng record company niya, naisali sa video ng kantang Bawal na Gamot singing in the recording studio, bakit si Roel wala? Ginusto niya ba? Sa album cover noon gwapo pa ang dating niya noon at todo ngiti na parang pang matinee idol e.

*Anong unang kantang nairecord nya? Tama ba ang pagkakaalam namin na 'Musikero' ang unang kanta nya using the name Roel Corpuz?

*May balak pa ba siyang gumawa ng kanta, o magpakita sa TV man lang?


Well...sa mga hindi nakapanood heto po ang episode na yon. Courtesy of GMA-7. Nagpapasalamat din ako kay Jessica Soho sa ideang kumustahin si Roel at maitampok sa kanyang programa. Edited po ang video na to, dinagdagan namin ng more background music of Roel Cortez. Sana magustuhan niyo.


Monday, March 3, 2014

Lihim Kitang Minamahal ( Roel Cortez ) 1984

Ang awiting ito ni Roel Cortez ay kasali sa album niyang 'Napakasakit Kuya Eddie', noong 1984. Ang awiting ito ay naglalahad ng lihim na pag-ibig sa isang babae. Kung pakikinggan mo ang kanta, ang mensahe nito ay parang naglalarawan na ang umiibig ay nasa mababang antas kaysa kanyang iniibig. Kaya nga nasa liriko ng kanta ang "Dahil ako'y hindi bagay, sa yong ganda ay alangan." Siguro masyadong maganda ang babae kaya medyo alinlangan sa isang ordinaryong hitsura ng lalaki, o pwede din na may kaya sa buhay at di magawa ni lalaki ang ipahayag ang kanyang damdamin dahil parang siyang umaambisyon sa langit at siya'y lupa lamang.

Isa din ito sa mga awiting ni Roel Cortez na masasabing napakaganda ng pagkagawa. Ang boses dito ni Roel ay parang sinlaming ng hangin sa kanayonan tuwing dapit hapon sa isang napagandang panahon. Ang tono ay isa ring obra maestro lalo na pagdating sa chorus part kung saan sumisipa na ang drums ng kanta na sumasabay sa madamdaming pagkanta ni Roel na nagsasabing "Ligaya na ng puso ko sa tuwina ay makita ka" 

Naisipan naming ilagay sa video si Jessy Mendiola, isang sikat na Kapamilya Star, dahil parang sumisimbolo sa kanya ang babaeng ibig ipahiwatig ng kanta. Kasi sa isang ordinaryong lalaki na mangarap ng pag-ibig kay Jessy, ay para nga naman itong suntok sa buwan, kaya kung umibig ka man ay palihim na lamang.

Kung nais nyo ng mp3 ng kantang ito, pwede nyo kami iemail sa roelcortezmusic@gmail.com, pakilagay lang ng subject na song request at magkwento kahit konti bakit nyo gusto ang kantang ito, o kahit hindi mo gusto at nautusan kalang humingi ng kopya, ok lang po sa amin.

Heto po ang link video ng awitin na yan.



Saturday, September 19, 2009

Where's Roel Now?

(from balikbayan online)

Roel Cortez longs for family reunion Do you still remember the song “Napakasakit, Kuya Eddie?” The song from Universal Records was recorded by former singer Roel Cortez and it became a hit in 1984.

Roel (Roel Corpuz in real life) no longer sings but //he still feels “pain” in that song, which made him famous for a time in the past. Not because he was already forgotten by his fans.
“Talagang napasakit when even your parents doesn’t care about you anymore,” said Roel, referring to his parents, who have forgotten him.
He ran away from home at 16 because his parents won’t allow him to sing.
“Tignan ko kung kaya kang buhayin ng gitara mo,” Roel quoted his father as telling him. He is the youngest of six siblings of Seferino and Felicisima Corpuz.

Now, at 42 and with seven kids to Corazon, Roel is still yearning to be reunited with his parents. He wants forgiveness. He wants to tell them that he has never gone wrong with his chosen career; that he survived.
His song that touched the hearts of OFWs inspired a lot of people including Roel to excel. Through his music, he was able to finance the Civil Engineering course of his wife at the Technological Institute of the Philippines. Now they own the CPC Builders, a construction firm based in Marilao, Bulacan.
In his heart, he wants to meet “lahat ng umapak at humamak sa kanya.”

He seems to be successful in his new life but not without his parents. Maybe he knows that no amount of success can compensate for failure in the home.

Friday, September 18, 2009

May Tama Ako Sa 'Yo ( Roel Cortez) 1985

Isang napakagandang awitin ni Roel Cortez na komposisyon ni Brando Juan at inarrange ni Rey Magtoto. Inilabas ito noong 1985.

Awiting pag-ibig ang tema ng kantang ito, na para bang di makatulog si lalaki sa sobrang kaiisip sa kanyang minamahal. Ang maganda sa mga awitin ni Roel ay nakasalamin ang pagiging makadiyos. Naipasok ba naman sa kanta ang "Araw gabi ako'y nagdarasal, sana ako sa yo'y mapamahal" hehehe...gandang pakinggan at ang lyrics? Lakas talaga ng tama hehehe....

post natin ang dalawang version ng kantang ito ha, mas mahaba ang isang version. Thank you din sa user na si Limva123 sa pagpost ng mga awitin ni Roel Cortez, lupit din ng koleksyon ng taong yan e. hehehe




mula sa pag-aari ni Limva123.

Baleleng Remix (DJ Jhon) Roel Cortez

Ang remix na ito ng kantang Baleleng ay gawa ni DJ Jhon, ang lakas ng sipa at napakagandang pakinggan na para kang mapapasayaw sa tunog na ito. Ang pagremix ng kanta ay hindi madalian, kinakailangan itong pag-isipan, hindi puro tira ng tira. May mga ibang remix din na iniiba ang tuno o normal na takbo ng kanta, kaya pangit ng pakinggan. May iba din na masyadong maingay ang beat na hindi mo na maririnig ang boses ng singer, at pag nagkomento ka sa nagremix, sila pa ang galit sa yo. Dahil sa para sa kanila, lahat ng gawa nila ay perpekto, hehehe may mga tao talagang sirado ang pag-iisip sa tinatawag na constructive criticism.

Oh, ano pang hinihintay natin? Turn the beat on!!!

Thursday, September 17, 2009

Pinay Sa Japan ( Roel Cortez )

Isang awitin ng isang nagmamahal na ayaw mapunta ang kanyang iniibig sa bansang Japan. Isa sa mga awiting may malalim na nilalaman.