Ang awiting ito ni Roel Cortez ay kasali sa album niyang 'Napakasakit Kuya Eddie', noong 1984. Ang awiting ito ay naglalahad ng lihim na pag-ibig sa isang babae. Kung pakikinggan mo ang kanta, ang mensahe nito ay parang naglalarawan na ang umiibig ay nasa mababang antas kaysa kanyang iniibig. Kaya nga nasa liriko ng kanta ang "Dahil ako'y hindi bagay, sa yong ganda ay alangan." Siguro masyadong maganda ang babae kaya medyo alinlangan sa isang ordinaryong hitsura ng lalaki, o pwede din na may kaya sa buhay at di magawa ni lalaki ang ipahayag ang kanyang damdamin dahil parang siyang umaambisyon sa langit at siya'y lupa lamang.
Isa din ito sa mga awiting ni Roel Cortez na masasabing napakaganda ng pagkagawa. Ang boses dito ni Roel ay parang sinlaming ng hangin sa kanayonan tuwing dapit hapon sa isang napagandang panahon. Ang tono ay isa ring obra maestro lalo na pagdating sa chorus part kung saan sumisipa na ang drums ng kanta na sumasabay sa madamdaming pagkanta ni Roel na nagsasabing "Ligaya na ng puso ko sa tuwina ay makita ka"
Naisipan naming ilagay sa video si Jessy Mendiola, isang sikat na Kapamilya Star, dahil parang sumisimbolo sa kanya ang babaeng ibig ipahiwatig ng kanta. Kasi sa isang ordinaryong lalaki na mangarap ng pag-ibig kay Jessy, ay para nga naman itong suntok sa buwan, kaya kung umibig ka man ay palihim na lamang.
Kung nais nyo ng mp3 ng kantang ito, pwede nyo kami iemail sa roelcortezmusic@gmail.com, pakilagay lang ng subject na song request at magkwento kahit konti bakit nyo gusto ang kantang ito, o kahit hindi mo gusto at nautusan kalang humingi ng kopya, ok lang po sa amin.
Heto po ang link video ng awitin na yan.
No comments:
Post a Comment